sikreto ng masaya at kuntentong pag-ibig

Ano nga ba ang sekreto ng isang masaya at kuntentong pag-ibig?
ano ang kailangan gawin upang manatili ang pagmamahal ng magkapareha sa isat-isa?

Maaaring sabihin na masaya sa piling ng kapareha. Lubos kang nagmamahal sa kanya.
Gayunman, may mga tao ring hindi maligaya sa pag-ibig. Nagdurusa sa piling ng kapareha kahit mahal ito. May mananatili sa nakakasakit na relasyon at lumuluha sa pag-ibig na walang kasiguruhan kung hanggang kailan.
Marami pa rin ang naghahanap ng pag-ibig, naghihintay nang tamang pagkakataon kung kailan dapat magmahal sa tamang tao. Marami ang nakakaranas ng rejection kaysa pagtanggap.
Ano nga ba ang sekreto ng isang tunay na masaya at kuntentong pag-ibig? sabi kailangang maging in love sa pag-ibig. Dapat ay pag-ibig talaga ang nararamdaman.
Maraming tao ang ipinagkakamaling pag-ibig ang nadarama para sa kapareha gayong hindi sila lubos na pinaliligaya ng nadarama para rito.
May mga taong nagdurusa sa pag-ibig pero nananatili sa relasyon.Iyon ay dahil sa in love sila sa pagdurusang naranasan nila, ayaw nilang iwasan o iwanan ang taong nagdudulot sa kanila ng pagdurusa dahil sa palagay nila’y bahagi na pag-ibig ang pagsasakripisyo.
May mga tao naman na naghahanap ng pag-ibig at patuloy o paulit-ulit na ginagawa ang paghahanap, ay mas in love sa paghahanap kaysa sa pag-ibig na natagpuan na nila.
Ang mga tao ay naniniwala sa mga romantic novel, sa mga love story o fairy tales ay nalulunod sa panaginip gayong kung tutuusin ay walang hanggan ang lahat ng buhay hangga’t umaabot sa totoong wakas nito.
Ang totoong pag-ibig ay walang paghahanap, walang pagdurusa, walang pagkukulang. Kung kayang magmahal ng walang “if” o “but”, maaaring sa sarili ay matagpuan ang masayang pag-ibig at maaaring maidulot din ito sa kapareha.

8 comments March 11, 2010

bUhos kUng mAgmAhAL

Minsan ako’y nagmahal. Nagmahal ng lubos o kaya buhos pag ako ay nagmahal. Hindi ko alam kung mali ang ginagawa kung pagmamahal sa taong hindi ako kayang mahalin gaya ng pinadadama ko sa kanya na pagmamahal o kaya’y pinapakita. Pero sa kabila ng lahat minahal ko pa rin siya, kahit alam kung hindi niya kayang tumbasan ang pagmamahal ko sa kanya.

Pero minsan napaisip na lang ako ano nga ba ang sinasabing MAHAL? salitang napakadaling sabihin sa isang taong mahal kita, ngunit sa kabila nito’y wala naman talaga akong nadarama. Bakit hindi na lang gusto kita, o importante ka sakin. Bakit mahal pa? Nagmamahal nga ba ako o di kaya’y sadyang gustong gusto ko lang talaga ang isang tao lalo’t na kung nagpapakita ng kabaitan sayo. Pero hindi ko alam nalilito na talaga ako.

Bakit ganun pag iniwan ka sobrang masakit? dati ka naman nabubuhay ng wala siya sa buhay mo bakit ngayon malungkot ako, nanlalanta, nakangiti ngunit my dinadalang mabigat na bagay. Bakit ganun? Parang hindi ka mabubuhay pag nawala siya sayo para bang feeling mo may kulang, kagaya sa katawan natin pag may nawala na isang parte para bang hindi kana makakagalaw o di kaya’y hindi kana kuntentong mabuhay parang ganun ang nararamdaman mo para bang wala ng silbing mabuhay pa. Pagkagising sa umaga wala ng bakas ng mga ngiti sa mukha dahil tuwing magigising ka naaalala mo na wala na yung taong mahal mo at nararamdaman mo ang sobrang sakit malulungkot ng sobra at mapapaluha na lang ng hindi mo namamalayan.

1 comment March 11, 2010

SAWI SA PAG – IBIG

Kung tayo ay sawi sa pag – ibig walang salitang direktang makapaglalarawan sa sakit na nararamdaman tuwing nasasawi tayo.

Iba kapag BROKEN HEARTED . Hindi ka makakapag isip nang maayos, hindi ka makakagalaw, para bang tumitigil ang mundo mo at nalulunod ka sa hinagpis dahil sa dumudugong puso.

Pero kung iisipin mo, natural na parte lang naman ng buhay ang pakikipagrelasyon ang pagkasawi sa pag – ibig. Bago tayo makipagrelasyon (ihanda na rin ang sarili upang kung nasaktan ka man madali mo na lang tanggapin).At dahil normal dapat nang asahan, o manapa, ihanda ng isang nagmamahal ang kanyang sarili sa sakit na ibibigay nito.

At minsan dahil sa takot na masaktan, may mga taong hindi na nagbabalak pang magmahal. Ni hindi na sinubukang ibukas ang puso sa mga bagong manliligaw, kasi natatakot ng masaktan ulit.

Pero kahit gaano man kasakit ang mabigo sa pag – ibig hindi rin naman matatawaran ang ligayang nararamdaman ng isang tao.

9 comments February 15, 2010

PILIT NA PAG – IBIG…MALING PAGMAMAHAL

Kung ayaw sayo ng taong mahal mo, mas tamang huwag ng ipilit ang sarili na hindi na masaktan.Kung patuloy na paniniwalaan ang sarili na mamahalin ka rin ng taong mahal mo mas lalong masasaktan ka lamang.Minsan kasi nagiging tanga tayo sa taong mahal natin mas minabubuti na lang ipilit ang pag – ibig kahit na nasasaktan na tayo.

Pero marami ang gustong maging lucky in love. Na kapag nagmahal at may ginusto ay mamahalin at gugustuhin din.

Hindi lahat ay swerte sa pag – ibig. Hindi Maitatatwa, marami ang minamalas sa pag – ibig kahit pa gaano kapa kapursigidong magmahal.

8 comments February 15, 2010

ang mariposa

araw natin

August 2017
M T W T F S S
« Mar    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Recent Posts

Archives

Blogroll

dinadapuan ng mariposa

Nangingibabaw na Paskil

Uncategorized

Recent Comments

mariposa on SAWI SA PAG – IBIG
patrick on SAWI SA PAG – IBIG
mariposa on sikreto ng masaya at kuntenton…
mstearjerky on bUhos kUng mAgmAhAL
mstearjerky on sikreto ng masaya at kuntenton…
mariposa on sikreto ng masaya at kuntenton…
mariposa on sikreto ng masaya at kuntenton…
mariposa on sikreto ng masaya at kuntenton…
duking on sikreto ng masaya at kuntenton…
WildCat on sikreto ng masaya at kuntenton…
teentoinks on sikreto ng masaya at kuntenton…
mariposa on PILIT NA PAG – IBIG…
mariposa on SAWI SA PAG – IBIG
kayedee on SAWI SA PAG – IBIG
gem on PILIT NA PAG – IBIG…